2 DA officials di paaalisin ng Pinas
December 7, 2005 | 12:00am
Hihilingin ng Senado sa Bureau of Immigration (BI) na ilagay sa hold departure order ang mga opisyales ng Department of Agriculture (DA) upang hindi na makaalis ng bansa at makapagtago tulad ng naunang ginawa ni DA Undersec. Jocelyn "Joc-joc" Bolante para makaiwas sa imbestigasyon tungkol sa P727 milyong fertilizer fund.
Sinabi ni Sen. Ramon Magsaysay, Jr., chairman ng Senate committee on agriculture and food, dapat ilagay sa HDO ng BI sina Undersec. Belinda Gonzales at Assistant Sec. Montes upang hindi na makapagtago at humarap sa Senate hearing.
Wika pa ni Magsaysay, umiwas ang dalawang opisyal na dumalo sa budget hearing ng kanilang tanggapan upang hindi sila matanong sa fertilizer fund.
Bigla umanong nagkasakit ang dalawa kaya hindi nakadalo. Nakarating naman sa pagdinig si DA Sec. Domingo Panganiban. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended