US Embassy isinara sa bomb threat
December 7, 2005 | 12:00am
Naparalisa ang operasyon ng US Embassy kahapon matapos itong pansamantalang ipasara makaraang makatanggap ng impormasyong target itong pasabugin ng mga terorista.
"Due to plausible threat information, US public services at the US Embassy in Manila will be temporarily closed to the public beginning December 6, 2005," pahayag ng inilabas na statement ng embahada.
Hindi muna mag-ooperate ang visa section at iba pang serbisyo ng Consular Services and Special Security Administration at Veterans Affairs Regional Office. Hindi naman inihayag kung kailan ito magbabalik sa normal na operasyon.
Nabatid na Lunes ng gabi, ilang oras matapos na pormal na isara ang 23rd Southeast Asian Games ay isang text message ang natanggap ng US Embassy na nakatakdang pasabugin ang gusali.
Mabilis namang rumesponde ang mga miyembro ng Special Action Force (SAF) at Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Manila Police District.
Nagpakalat din ng mga K-9 units o "bomb sniffing dogs" ang Explosive and Ordnance Division (EOD) sa mga entrada ng Roxas boulevard at maging sa loob nito.
Kasabay nito ay muli ring nagpalabas ang Amerika ng travel warning para sa mga mamamayan nito na mag-ingat dahil sa banta ng mga terorista. (Ellen Fernando, Danilo Garcia at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest