Bonoan di dapat pakawalan ng gobyerno Recto
December 4, 2005 | 12:00am
Nanawagan kahapon si Sen. Ralph Recto kay Pangulong Arroyo na bigyan ng ibang trabaho sa gobyerno ang nag-resign na si Finance Undersec. Emmanuel Bonoan dahil sayang lamang ang talino at talento nito kung mawawala sa poder ng gobyerno.
"Mr. Bonoan is one guy government shouldnt let go. There are enough officers in the government which are in need of his services," ani Recto.
Inirekomenda ng senador na italaga na lamang si Bonoan bilang Deputy Ombudsman for revenue agencies nang sa gayon ay magsilbing "Big Brother" ito ng mga government officials na nangongolekta ng buwis.
Samantala, posibleng ipatawag ng Senado sa susunod na linggo si Bonoan upang komprontahin sa tunay na dahilan ng kanyang pagbibitiw.
Ayon sa impormante, hindi umano naniniwala ang ilang senador na problema sa kalusugan ang tunay na dahilan ng pagbibitiw nito at posibleng may iba pang mabigat na rason kung bakit ito kumawala sa Arroyo administration.
Si Bonoan ang may ideya ng mga programang Revenue Integrity Protection Service (RIPS) at Run After Tax Evaders (RATE) na nagresulta ng paghahain ng 20 tax evasion case laban sa mga prominenteng personalidad, kabilang na ang mga miyembro ng Gabinete. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended