P280-M kulambo ng DOH, nasilip
December 1, 2005 | 12:00am
Nasilip kahapon ng Kamara ang napakamahal na kulambo na umaabot sa P280 milyon na balak bilhin ng Department of Health (DOH) sa 2006 para ipanlaban sa sakit na malaria.
Ikinagulat ni Tarlac Rep. Benigno "Noynoy" Aquino ang paglalaan ng budget ng DOH para sa 1 milyong kulambo na aabot sa P280 bawat isa.
Sinabi ni Aquino na bagaman at dapat gumawa ng paraan ang DOH para labanan ang malaria, hindi naman epektibo ang naiisip nilang estratehiya dahil tuwing gabi lamang gumagamit ng kulambo ang mga Pinoy at expose sila sa kagat ng lamok kung umaga.
Kinuwestiyon din ni Aquino kung bakit P280 milyon ang ilalaan para sa pambili ng kulambo na higit na malaki sa P3.2 milyon budget na para sa bakuna laban sa malaria. Ani Aquino, dapat mas pagtuunan ng pansin ng DOH ang pagbili ng bakuna laban sa malaria dahil mas epektibo ito kaysa sa kulambo.
Matatandaan na marami ang natakot sa sakit na malaria matapos mamatay ang anak ni broadcaster Rey Langit na si Reyster Langit sa isang coverage sa Palawan kung saan nakagat siya ng lamok na may dalang malaria.
Inaasahang haharangin ng mga kongresistang miyembro ng House committee on appropriations ang napakalaking budget ng DOH para sa kulambo. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended