Testigo sa Subic rape sablay; 6 Kano, biktima di sumipot
November 24, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Tila humina ang kasong panggagahasa laban sa anim na sundalong Kano matapos aminin ng isang tumayong testigo na sa text message lamang niya nakuha ang mga pangalan ng mga akusado.
Sa ginanap na unang preliminary investigation, hindi sumipot kahapon ang mga akusado kaya hindi nangyari ang inaasahang paghaharap-harap nila ng biktima at mga testigo.
Hindi rin dumating ang biktima at abogado nitong si Atty. Katrina Legarda, subalit nagpadala ng limang abogada samantala sa panig naman ng mga akusado ay 10 batikang abogado mula sa apat na kilalang law firms ang dumating kung saan si Atty. Francisco Rodrigo Jr., ang siyang tumatayong head counsel.
Unang ginisa ng prosekusyon si Paquito Torres, chief ng Intelligence and Investigation Office (IIO) Division ng SBMA, na kinuwestiyon ang ginawang procedure sa pagsasampa ng kaso laban kina Keith Silkwood; Danielle Smith; Albert Lara; Chad Carpenter at Corey Boris.
Inamin ni Torres na mula lamang sa isang text message niya nakuha ang pangalan ng mga Kano dahilan para tanungin siya ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni kung Standard Operating Procedure (SOP) ba ng nasabing ahensya ang pagsasampa kaagad ng kaso sa kabila ng walang sapat na ebidensya laban sa mga akusado.
Bunga nito, tila nakapuntos agad ang mga abogado ng mga sundalo dahil maituturing anila na "hear say" o sabi-sabi lamang ang ipiniprisintang ebidensiya ni Torres.
Nagkainitan din ang magkabilang panig nang kuwestiyunin ng counsel ng mga akusado ang iprinisintang "supplemental affidavit" ng biktima dahil sa umanoy walang sapat at kulang ang mga pinanghahawakang ebidensya ng mga ito.
Sinabi ni Atty. Rodrigo na hindi sila magsasampa ng kanilang counter-affidavit kung hindi magsusumite ng karagdagang ebidensya ang kampo ng biktima.
Dumating din ang ilang representante ng Department of Foreign Affairs (DFA), US Embassy at Department of Justice (DoJ) sa pamumuno naman ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na nagsilbi lamang bilang tagamasid sa isinasagawang pagdinig.
Itinakda naman ng prosecution ang ikalawang pagdinig sa Nobyembre 29, 2005. (Grace dela Cruz/Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest