Fil-Am pinatay ang sarili
November 13, 2005 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan - "Pinatay" umano ng isang 62-anyos na Filipino-American ang kanyang sarili para makakubra ng P100 milyong halaga ng insurance sa Estados Unidos.
Sa isang press conference na ipinatawag ni Dr. John Florentino Teruel, sinabi nito na kanyang sinulatan si US Embassy Charge d Affaires Paul Jones para arestuhin at kasuhan ang kanyang panganay na kapatid na lalaki na si Jose Benjamin Teruel, 62, may-asawa, isang naturalized American citizen, dahil sa umanoy pamemeke nito ng kanyang death certificate para makakolekta ng P100 milyon mula sa United States insurance companies.
Si Benjamin ay nagtatago umano ngayon sa isang lugar sa California.
Sa salaysay ni Dr. Teruel, founding bishop ng Apostolic Catholic Church (ACC) na nakabase sa Banal na Lupa ng Sacrifice Valley, ibinunyag nito na pineke umano ng kanyang kapatid na si Benjamin ang death certificate nito sa pamamagitan ng pamemeke sa pirma ng isa pa nilang kapatid na si Theodore.
Batay sa nasabing death certificate, si Theodore ang nagsilbing informant na nagsabing natagpuan ang bangkay ni Benjamin na lumulutang sa Pasig River na sakop ng Baseco compound sa Tondo, Manila noong May 21, 1989 kung saan ang nasabing bangkay ay agad ding sinunog sa San Lazaro Crematory.
Dahil sa naturang evil death scheme nagawa umano ni Benjamin na makakuha ng multi-milyong pisong insurance at sa ibang bangko sa Amerika bilang isang American citizen doon kung saan itoy nagtrabaho bilang inhinyero sa Pacific Gas Electric sa California, USA.
Hindi naman malaman kung ano ang motibo ni Dr. Teruel sa ginawa nitong pagbubunyag at kung bakit inabot ng 16 taon bago niya isiniwalat ang naturang "pagsisinungaling" ng kanyang sariling kapatid.
Samantala mariing pinabulaanan naman ni Cora Teruel, asawa ni Benjamin, ang ibinulgar ng kanyang bayaw. Matagal na umano itong issue at si Dr. Teruel pa nga umano ang nagsabi noon na madaling kumuha ng death certificate dahil nagkalat lang umano ito sa Recto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended