3 hotel sa Jordan tinarget ng Al Qaeda: 67 patay
November 11, 2005 | 12:00am
Umaabot sa 67 katao ang iniulat na nasawi habang mahigit 300 ang nasugatan sa panibagong pag-atake ng mga suicide bombers ng Al-Qaeda sa tatlong US-based hotels sa Amman, Jordan kamakalawa ng gabi.
Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), mula kahapon ng hapon wala pa silang natatanggap na ulat na may Pinoy ang kabilang sa naging biktima ng pag-atake sa tatlong malalaking hotels na Grand Hyatt, Radisson SAS at Days Inn.
Habang sinusulat ang ulat na ito, sinabi ng DFA na inatasan na nila si Charge d Affaires Arvic Arevalo sa Embahada ng Pilipinas sa Jordan na imonitor ang naturang insidente. Inaalam na rin kung may mga Pinoy na nagtatrabaho sa tatlong hotel.
Nakikipag-ugnayan na rin si Arevalo sa Filipino community sa nasabing lugar upang tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Base sa report, bandang alas-9 ng gabi nang sumalakay ang mga suicide bombers at halos magkakasabay na pinasabog ang tatlong nabanggit na hotels na kalimitang binabahayan ng mga American at British nationals. Isa sa mga matinding pagsabog ay naganap sa loob ng wedding hall ng Radisson Hotel kung saan nakihalo ang isang lalaki na may nakakabit na bomba sa katawan sa may 300 guests.
Malaki naman ang paniwala ng deputy prime minister ng Jordan na si Marwan Muasher na walang dapat na paghinalaan sa pag-atake kundi ang grupo ni Abu Musab al-Zarqawi, isang Jordanian-born leader ng Al-Qaeda mula sa Iraq na nahatulan na rin dahil sa pagsasagawa ng pambobomba sa nasabing bansa. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended