Pagbabalik ng ex-QC Jail warden malabo

Pinaiimbestigahan ni DILG Secretary Angelo Reyes ang background ni Supt. Emilio Culang alunsunod sa pagnanais daw nitong makabalik bilang warden ng Quezon City Jail.

Inatasan ni Sec. Reyes ang Office of the Internal Security upang alamin ang background ni Culang sa paghawak muli ng isa sa mga piitan sa Metro Manila.

Lumilitaw na marami ang hindi pabor sa pamumuno ni Culang dahil madalas magkaroon ng noise barrage dahil sa nagiging problema sa kulungan.

Sa pamamahala din ni Culang naaresto ang isang inmate na mayroong P50 bills na nagkakahalaga ng P40,000 bukod sa hindi umano makatarungang pagsibak nito sa isang jail officer.

Show comments