Sa naging resolusyon ng SC, dapat ay sa mababang hukuman kinuwestyon ng grupo ni Atty. Roque ang kontrata ng Northrail sa China National Machinery and Equipment Group (CNMEG) at hindi sa high tribunal.
Ipinaliwanag pa ni Cortes na ang proyekto ay naglalayong mabigyan ng moderno at abot-kayang transportasyon ang mga residente ng Central Luzon gayundin ang mapabilis ang pagluluwas ng mga produkto sa Kamaynilaan.
Prayoridad nilang kunin bilang mga manggagawa sa proyekto ang mga residenteng maapektuhan kung saan ay inaasahan nilang aabot sa 2,000 trabahador ang kanilang kakailanganin at kapag natapos ang konstruksyon ay mangangailangan sila ng 500 personnel para sa kanilang 6 train stations.
Naniniwala si Cortes na magiging bukas ang mga mata sa katotohanan ng mga apektadong residente at mga mambabatas sa buting idudulot ng Northrail project. (Rudy Andal)