Inaprubahan ni Victor Fernandez, deputy Ombudsman for Luzon ang pagsasampa ng kaso dahil sa "indirect financial o pecuniary interest" matapos bumili ang TESDA ng mga office at technical supplies sa CDZ Enterprises na pag-aari ng kapatid ni Zurbano na si Nieves Brillo Cabigan mula Marso-Oktubre 2003.
Lumabag umano si Zurbano sa Section 3 ng RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na nagbabawal sa mga pampublikong opisyal at kawani na pumasok sa isang transaksiyon kung mayroong personal na interes.
Ayon sa Ombudsman, mahinang klase ang suplay na ibinigay ng CDZ Enterprises sa TESDA kahit pa mababa ang halaga ng mga ito.
Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Zurbano na dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng suplay. (Malou Rongalerios)