Sa resolution ng CA, sinabi nito na maituturing na pag-abuso sa kapangyarihan ang ginawang pagsibak sa mga nasabing empleyado ng GSIS.
Ipinaliwanag ng korte na bagamat may karapatan si Garcia na magtanggal ng empleyado sa ilalim ng Section 45 ng Republic Act No. 8291, maituturing na may bahid paghihiganti ang ginawa nito ng sibakin sa kanilang trabaho ang mga empleyadong nag-aklas laban sa kanya dahil lamang binato ito ng matinding pagbatikos hinggil sa pondo ng GSIS.
Magugunita na sinibak ng GSIS ang tinatayang 300 kawani nito kung saan 278 dito ang sinampahan ng kaso ni Garcia at 20 ang nadesisyunan, 182 ang kinastigo at lima ang napatawan ng one month suspension makaraang magsagawa ang mga ito ng kilos-protesta laban kay Garcia dahil sa umanoy maling paggamit ng pondo ng GSIS. (Grace dela Cruz)