^

Bansa

‘Gawing mabunga ang pagbatikos’

-
Nanawagan ang mga kongresistang kaalyado ni Pangulong Arroyo kay dating Pangulong Corazon Aquino na kabutihan ng taumbayan at hindi personal na pagdaramdam ang dapat ginagawang pagbatikos sa pamahalaan.

Ayon kay Davao del Sur Rep. Douglas Cagas, dapat maging patas si Ginang Aquino sa paghuhusga kay Pangulong Arroyo dahil nakaranas din naman ang biyuda ni Sen. Ninoy Aquino ng kabiguan sa anim na taong panunungkulan nito.

Ginawa ni Rep. Cagas ang pahayag makaraang aminin nina Aquino at JIL leader Bro. Eddie Villanueva na nagkamali umano sila ng pagbibigay ng suporta kay Arroyo noong EDSA Dos.

Ani Cagas, nalasap din ni Aquino ang pagkawala ng mga matatalik na tagasuporta at kaalyado matapos na hayagang magpagamit ang dating pangulo sa mga taong nais maghasik ng kaguluhan para lamang makamit ang pampulitikang layunin.

Naniniwala rin ang mambabatas na naka-ugat sa naging desisyon ng Department of Agrarian Reform hinggil sa Hacienda Luisita ang pagkadismaya ni Aquino kay Arroyo. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANI CAGAS

AQUINO

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DOUGLAS CAGAS

EDDIE VILLANUEVA

GINANG AQUINO

HACIENDA LUISITA

MALOU RONGALERIOS

NINOY AQUINO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with