JIs babanat tapos Ramadan
October 10, 2005 | 12:00am
Puspusan ang malawakang manhunt at intelligence monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga teroristang Jemaah Islamiyah (JI) na nagtatago sa rehiyon ng Mindanao, itoy kasunod ng ulat na posibleng umatake ang mga terorista matapos ang Ramadan. Kabilang sa mga lugar na target ng pambobomba ang mga lungsod ng Zamboanga, Davao, General Santos, Cotabato at Metro Manila.
Sa isang phone interview sinabi ni Armys 6th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Agustin Dema-ala, nagpakalat na rin ng karagdagang 600 puwersa ng mga sundalo sa Mindanao kasunod ng direktiba ni Pangulong Arroyo kamakalawa na all out war laban sa dalawang JI terrorist na sangkot sa madugong pambobomba sa Bali , Indonesia. Nagpalabas din ng $11-M reward money ang pamahalaan ng Estados Unidos, buhay man o patay laban sa dalawang Bali bombers.
Ayon naman sa isang intelligence officer ng AFP na tumangging magpabanggit ng pangalan, tinatayang aabot sa 30 hanggang 60 JI terrorist ang nagtatago sa Mindanao. "Their number ranges from 30 to 60, all trained in Mindanao, their names maybe were all aliases to divert military operations", anang source.
Hindi umano imposible na sa bansa nagtatago ang mga JI terrorist dahil kabilang ang Pilipinas sa target. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended