GMA payag nang dumalo sa hearing ang Gabinete
October 9, 2005 | 12:00am
Pinayagan na ni Pangulong Arroyo ang mga pinuno ng ahensiya ng gobyerno na dumalo sa mga committee hearing ng Kongreso pero ito ay para lang sa pagdinig sa mga panukalang budget ng kanilang opisina.
Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, mayroon nang "verbal go-signal" ang Presidente sa mga miyembro ng Gabinete.
"Itinanong ito ni Labor Secretary Pat Sto. Tomas dahil siya ang pinakaunang inanyayahan ng committee on appropriations ng Senado para dumalo. Sinabi ng Pangulo na kung ito ay regular na budget hearing, walang dahilan para tutulan ang kanilang pagdalo. Ang minamasdan lang po ay iyong mga imbestigasyon na sa paksa pa lang ay alam na nating mayroong agenda sa pananaw ng Malacañang," ani Bunye.
Sinabi rin ni Bunye na sa pagkaalam niya, tapos na ang pagbalangkas ng mga alituntunin na magsisilbing gabay para sa pagdalo ng mga miyembro ng Gabinete sa hearing ng Kongreso.
Ayon kay Bunye, ang tinitingnan na lang ay ang pagpapakita ng Senado ng katapatan para maiwasan at hindi na maulit ang insidenteng naganap kay National Security Adviser Norberto Gonzales.
"Hanggang ngayon, ang isyung ito ay hindi pa resolved. Nandiyan pa rin ang pending request ni Executive Secretary Eduardo Ermita na i-lift ang kasong contempt. But this has not been acted on," wika ni Bunye.
Hinggil sa isyu ng hirit ng Commission on Human Rights na hindi sila saklaw ng ipinalabas na EO 464 na hinihigpitan ang pagdalo sa imbestigasyon ng Kongreso, sinabi ni Bunye na ang makalulutas dito ay ang Korte Suprema.
Kuwestiyon anya itong legal kayat kailangang isangguni sa Kataas-taasang Korte. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended