Ito ang tinukoy nina Victoria de los Reyes at John Benedict Sioson, corporate secretaries ng POTC at Philcomsat, ayon sa pagkakasunod, sa kanilang mosyon na i-dismiss ang kasong isinampa ni Enrique Locsin bilang kinatawan diumano ng dalawang kumpanya.
"Ang nasabing kaso ay isang simpleng alitan sa loob ng POTC at Philcomsat, na nagkataong may dalawang grupo ng board of directors at opisyales, at si Locsin ay nag-aakusa na ang mga defendants ay nagpapanggap lamang na mga director at opisyales ng dalawang kumpanya," paliwanag nina de los Reyes at Sioson.
Sina de los Reyes at Sioson ay kabilang sa grupo na pinangungunahan ni Victor Africa, presidente ng POTC at Philcomsat, na aktuwal na nagpapatakbo sa dalawang kumpanya. Si Locsin naman ay kabilang sa grupo na pinangungunahan ni Manuel Nieto Jr.
Ayon sa reklamo ni Locsin, nilabag diumano ng grupo ni Africa ang anti-graft and corrupt practices law o batas laban sa katiwalian sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga director at opisyales ng POTC at Philcomsat.
Ayon naman kina de los Reyes at Sioson, ang kaso ay hindi ukol sa paglabag sa nasabing batas o ill-gotten wealth.
Ayon sa dalawa, ang Sandiganbayan ay may eksklusibong hurisdiksyon sa mga kasong isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) o ng sinuman na kumukuwestiyon o humahamon sa mga gawain o kautusan ng komisyon.
Binanggit nina de los Reyes at Sioson na si Locsin mismo ang nagsabi na ang awtoridad na magsampa ng kaso laban sa grupo ni Africa ay "galing sa board of directors ng POTC at Philcomsat at hindi sa PCGG.