P.5-M upa/buwan ng 5 diplomat, nabuking
September 30, 2005 | 12:00am
Nabuko kahapon sa budget hearing ng Department of Foreign Affairs sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na lima pang diplomats ng Pilipinas sa ibat ibang bansa ang nakatira sa mamahalin at magagarbong tirahan at hindi bababa sa kalahating milyong piso ang binabayarang upa buwan-buwan ng pamahalaan.
Bagaman at hindi pinangalanan, sinabi ni DFA Undersecretary Franklin Ebdalin, $10,500 o P588,000 ang renta kada buwan sa tirahan ng consul general sa Los Angeles, California; $11,000 o P616,000 sa Berlin, Germany at Paris, France at tig-$10,000 o P560,000 sa Rome, Italy at Vietnam, Austria.
Nauna nang umani ng pagbatikos ang Philippine Consul General sa New York na si Cecille Rebong na nakatira sa Trump Tower na may buwanang upa na $10,000 o P560,000.
Pero iniulat ni Ebdalin na lilipat na ng tirahan si Rebong sa New York. Mula sa Trump Tower ay titira ito sa ikalawang palapag ng gusaling pag-aari ng Pilipinas sa 66th st., New York kung saan nakatira rin si RP envoy to the UN Lauro Baja. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended