Africa group nalo sa POTC, Philcomsat
September 21, 2005 | 12:00am
Nagpalabas ng isang pinal na desisyon ang Korte Suprema na ang grupong pinamumunuan nina Victor Africa at Erlinda Bildner ang dapat magpatakbo sa Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) at sa Philippine Communications Satellite Corp. (Philcomsat).
Batay sa solusyon na may petsang Setyembre 7, 2005, ibinasura ng SC ang claim ng grupong pinangungunahan ni Manuel Nieto Jr. na ito ang bumubuo sa board at management ng dalawang kumpanya.
Dinismis ng Korte Suprema "with finality," ang magkahiwalay na mosyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng dalawang kumpanya na pigilin ang implementasyon ng isang compromise agreement na nagbigay sa pamahalaan ng 35 percent pag-aari sa POTC at Philcomsat.
Ayon sa hukuman, maliwanag na walang merito ang mga mosyon dahil inulit lamang ang mga dating argumento na ibinasura na sa ilalim ng desisyon na may petsang Hunyo 15, 2005.
Bukod sa PCGG, ang motion for reconsideration ay isinampa ng Independent Realty Corp. (IRC) at Mid-Pasig Land Development Corp.
Ayon sa Korte, ang temporary restraining order (TRO) na inisyu nito noong Marso 2005 upang pigilin ang kasunduan ay walang bisa dahil naipatupad na ang bahagi ng nasabing kasunduan noong pang Enero 2000, o dalawang buwan bago lumabas ang TRO. Inamin ng hukuman na nalinlang ito sa pagpapalabas ng TRO dahil inilingid ng PCGG, IRC at MPLOC ang katotohanan na naipatupad na ang bahagi ng compromise agreement bago pa sila humiling na pigilin ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest