Kudeta inismol ni Pres. Gloria
September 20, 2005 | 12:00am
Inismol ng Malacañang ang napaulat na bantang kudeta laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na umanoy niluluto ngayon ng mga retiradong heneral ng AFP at PNP.
Batay sa ulat, bukod sa mga sundalo ay ginagapang din ng mga kalaban ni PGMA ang suporta ng CAFGU, ROTC cadets at reservists sa AFP.
Ayon kay Presidential Management Staff chief Rigoberto Tiglao, ang ganitong mga pahayag mula sa YOU at iba pang sektor ay isa lamang propaganda ng grupong nais patalsikin sa poder ang Pangulo.
Sinabi ni Sec. Tiglao, maging si US embassy charge d affaires Joseph Mussomeli na siyang nagreport umano nito sa FBI ay hindi din naniniwala sa bantang kudeta sa Arroyo government.
Samantala, tiniyak naman ni AFP chief of staff Gen. Generoso Senga na walang planong kudeta ang mga sundalo laban sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.
Iginiit pa ni Gen. Senga sa mga sundalo na huwag pakinggan ang anumang propaganda o paninira ng mga nagbabalak magsagawa ng kudeta.
Sinabi ni Lt. Col. Buenaventura Pascual, PIO chief ng AFP, professionals at disiplinado ang mga sundalo kaya malabong pakinggan nito ang anumang pambubuyo ng mga kalaban ng administrasyon. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended