7 katao patay sa landslide/flashflood
September 19, 2005 | 12:00am
Umaabot na sa 7-katao ang death toll, pito ang nakaligtas habang isang 2-anyos na batang lalaki ang nawawala sa flashfloods at landslides dulot ng active low pressure area sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa report ng Office of Civil Defense (OCD), hanggang tuhod pa rin ang baha sa Bongabong, Nueva Ecija kung saan ay naitala sa 200 pamilya ang apektado nito. Patuloy namang minomonitor ng OCD ang Danglan Dike sa South Poblacion sa Gabaldon Nueva Ecija; Malisik, Anaasin at Arnedo Dikes na pawang napinsala at nagkaroon ng bitak sa Candaba, Pampanga.
Hindi pa rin madaanan ang highway na nag-uugnay sa Bongabong, Nueva Ecija at Baler, Aurora sanhi ng pagkawasak ng tulay sa Villa Aurora. Hindi rin madaanan ang highway sa Sta. Ana-Candaba, Pampanga. Tatlong dike rin ang iniulat na napinsala sa Busac, Oas, Albay at tuluyang nawasak ang dike sa Iraya Sur ng lalawigan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended