^

Bansa

59,493 napagsilbihan ng PDMMMC

-
Tinatayang 59,493 katao ang napagsilbihan ng President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sa unang taon ng pagiging operational nito sa ilalim ng pamumuno ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri.

Batay sa isinumiteng ulat ng Caloocan Health Department, di hamak na mas mataas ang bilang ng mga taong nagamot sa nasabing ospital, dating Caloocan City General Hospital, kaysa noong mga nakaraang taon na hindi pa ito naisasaayos.

Ayon kay City Health officer Dr. Raquel So-Sayo, sa unang taon pa lamang ng administrasyon ni Echiverri ay napuno na ng alkalde ng mga makabagong kagamitan at aparato ang ospital upang lalong makapagsilbi sa mga residente ng lungsod.

Sinigurado naman ni Echiverri na patuloy niyang sisikaping mapagbuti ang mga serbisyong ipinagkaloob ng PDMMMC.

Ilan sa mga modernong kagamitan na kasalukuyang nasa ospital ay X-ray at ultrasound machines, coulter machine, defibrillator/cardiac monitor, emergency cart.

Gayundin, nakapagseserbisyo na ang Center for Reproductive Health, Physical Therapy at Specialty Clinics, Out-patient Department, Dental Services at botika.

Bukod sa mga resident doctors ay mayroon na ring mga private practitioners at espesyalista na nangangasiwa ng kanilang mga klinika sa PDMMMC. Patunay na kapantay na ang ating ospital sa mga nangungunang pagamutan sa bansa.

vuukle comment

CALOOCAN CITY GENERAL HOSPITAL

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN HEALTH DEPARTMENT

CITY HEALTH

DENTAL SERVICES

DR. RAQUEL SO-SAYO

ECHIVERRI

PHYSICAL THERAPY

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

REPRODUCTIVE HEALTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with