^

Bansa

Metro may pinaka-maruming hangin – DOH

-
Pangunahing sanhi pa rin ng respiratory tract infection sa ngayon ang maruming hanging nalalanghap.

Sa pag-aaral na ipinalabas mismo ng World Health Organization (WHO), isa ang Metro Manila sa may pinakamaruming hangin sa buong mundo.

Ayon sa Department of Health (DOH), matindi ang pagdumi ng hangin dulot ng polusyon mula sa mga mauusok na sasakyan. Ang problemang ito ay kinakalimutan na ng pamahalaan at higit na pinagtutuunang pansin ang krisis sa enerhiya.

Dahil dito, tutol ang DOH sa panukalang magbisikleta na lamang ang mamamayan bilang pamalit sa lumalalang problema ng pagtaas ng gasolina sa bansa. Bukod kasi sa delikado ang pagbibisikleta sa mga pangunahing kalsada, masasabing delikado rin ito sa kalusugan dahil mayroon pa ring malalang problema ang Pilipinas patungkol naman sa polusyon.

Nakakita naman ng solusyon ang ilang ‘environmentalists’ para bahagyang masolusyonan ang problema sa polusyon.

Base sa pag-aaral, ang tipid-gas gadget ni Pinoy inventor Pablo Planas ay malaking bagay para makapagpababa sa ibinubugang usok ng mga sasakyan.

Bukod sa nakatutulong ito sa pagtitipid ng 15-50 porsiyentong konsumo ng gasolina, ang Khaos Super Turbo Charger (KSTC) ni Planas ay garantisadong nagbibigay ng malaking kabawasan sa mga usok ng panggasolinang sasakyan.

Kung ipinatutupad ang 1.5 emission standards ng DENR at LTO na itinatadhana ng Clean Air Act, ang tipid-gas ni Planas ay hamak na nakababawas ng polusyon dahil ang mga kotseng nakakabitan ng kanyang natatanging gadget ay nagbubuga lamang ng 0.5 emission standards. (Gemma Garcia)

AYON

BUKOD

CLEAN AIR ACT

DEPARTMENT OF HEALTH

GEMMA GARCIA

KHAOS SUPER TURBO CHARGER

METRO MANILA

PABLO PLANAS

PLANAS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with