^

Bansa

Tipid-gas aprub sa Palasyo

-
Muling nakakita ng pag-asa ang pamahalaan ni Pangulong Arroyo para masolusyunan ang dinaranas na energy crisis sa bansa.

Bukod sa gas rationing, pagbabawas ng security convoy ng Pangulo at pagdispatsa sa mga sasakyang panggasolina na naka-assigned sa iba’t ibang government owned controlled corporations (GOCCs), sinabi ni Department of Energy Sec. Raphael Lotilla na bukas sa Malacañang ang paggamit ng publiko sa gas saving device bilang solusyon sa kasalukuyang oil crisis.

Sa kanyang pahayag matapos ang isinagawang pagpupulong sa Palasyo upang tugunan ang suliranin sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis, sinabi ni Lotilla na malaking tulong sa oil crisis ang mga gas saving device kung kaya hihikayatin nila ang publiko na suportahan ang mga bagong imbensiyon ng tipid-gas gadget, tulad ng Khaos Super Turbo Charger.

Nabalitaan na umano ni Lotilla ang KSTC, isang gas saving device na imbensiyon ni Filipino inventor Pablo Planas at aminado siya na kapuri-puri ito at malaking tulong para sa mga pampubliko’t pribadong motorista. Pati si Secretary of the Cabinet Ricardo Saludo ay nagsabing isasama rin nila ang tipid-gas gadget sa ipinatutupad na ‘measures’ ng pamahalaan.

"Anything that will help reduce fuel consumption will be welcome," ani Saludo.

Nagkasundo kamakailan ang Asialink Finance Corporation at Inventionhaus International Inc., tagapagtaguyod ng KSTC, na ipautang sa publiko ang tipid-gas gadget. Sa orihinal na halagang P6,500, maaari na itong makuha sa pamamagitan ng ‘installment basis’ o hulugan sa halagang P668 kinsenas-katapusan sa loob ng anim na buwan. Maaaring tumawag sa tel. blg. 4487214/4487213/9200090. (Ellen Fernando)

ASIALINK FINANCE CORPORATION

DEPARTMENT OF ENERGY SEC

ELLEN FERNANDO

GAS

INVENTIONHAUS INTERNATIONAL INC

KHAOS SUPER TURBO CHARGER

LOTILLA

PABLO PLANAS

PANGULONG ARROYO

RAPHAEL LOTILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with