Yarcia, et al kinasuhan sa DOJ
August 12, 2005 | 12:00am
Ipinagharap kahapon ng kasong kriminal ng dalawang Comelec officers sa Department of Justice (DOJ) ang dating military official at iba pang personalidad na umanoy nagtangkang manuhol sa kanila kapalit ng pagpapabagsak kay Pangulong Arroyo.
Personal na naghain ng demanda sa DOJ sina Gilbert Palogan na nakatalaga sa Bulacan at Ferdinand Gerardo na naka-assign sa Pampanga laban kina ret. Gen. Julius Yarcia, David Tan, mga tauhan ni dating Defense Sec. Renato de Villa at iba pang John Does ng paglabag sa PD 46 o pagbabawal sa mga public officials na tumanggap ng regalo at paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o corruption of public officials.
Sa inihaing joint complaint affidavit nina Palogan at Gerardo, nagpakilala umano si Yarcia na kaibigan siya ni de Villa at pinangakuan sila na mabibigyan ng US visa at P5 milyon kapalit ng pagsira sa Pangulo bilang corroborative witnesses.
Kasalukuyang nasa safehouse na ng NBI ang dalawang complainant dahil sa mga banta sa kanilang buhay. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest