1 pang jueteng witness bumaligtad
August 9, 2005 | 12:00am
Isa pang testigo ng oposisyon sa jueteng probe ng Senado ang sumunod sa yapak ni Richard Garcia matapos aminin nitong pinipilit lamang siyang isangkot ang pamilya ni Pangulong Arroyo sa jueteng payola.
Ang pangalawang witness na bumaligtad at nagtungo sa tahanan ni Ding Santos sa Pasay City kahapon ay si Demosteles Abraham Riva.
Sinabi ni Riva sa press conference nito sa tahanan ni Santos, ayaw na niyang magpagamit sa oposisyon partikular sa kampo ni Sen. Panfilo Lacson dahil ang nais lamang niya ay mawala ang jueteng at hindi gibain sa puwesto si Mrs. Arroyo.
Pakiramdam ni Riva, ginagamit sila ng kampo ni Lacson sa pakikipag-kuntsaba nina Archbishop Oscar Cruz, Bishop Tobias at Bishop Deo Yniguez para sa PGMA Resign Movement.
Wika pa ni Riva, sa halip na bigyan siya ng seguridad matapos maging witness ay inilagay siya sa isang safehouse sa squatters area sa Payatas, Quezon City kung saan ay pugad ng mga addict.
Aniya, ang nais ng oposisyon ay idawit niya ang pamilya ni Mrs. Arroyo sa jueteng scandal gayung ang alam lamang naman niya talaga ay hanggang kay dating Presidential Adviser for Bicol Affairs Mario Espinosa.
Sabi pa ni Riva, siya ay nagsilbi bilang collector lamang ni Usec. Espinosa sa jueteng operations sa Bicol at kung saan niya ipinapadala ang pera ay hindi niya alam ito pero tinuruan siya ng tauhan ni Lacson na si Ric Dandan na isabit daw ang pamilya ng Pangulo kasabay ang pangako na lahat ng hihilingin nito ay ibibigay kapag naupo na ang oposisyon.
Aniya, ang krusada lamang niya ay mawala ang jueteng pero gagamitin pala sila ng oposisyon para mapatalsik ang Pangulong Arroyo kaya umalis na siya dito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended