^

Bansa

Mangingisda 'pinapatay' ng PEA dahil sa fish terminal

-
Nangangamba ang daan-daang mangingisda sa posibleng pagsasalin ng pangasiwaan ng Fisherman’s Wharf sa Local Government Unit ng Public Estate Authority na unang pinamamahalaan ng Parañaque Fish Terminal.

Ayon sa mga mangingisda, idineklara ang naturang fish terminal na isang proyekto sa ilalim ng PEA para sa mga naapektuhan ng reclamation at R-1 road project sa Parañaque.

Dahil dito, sinabi ng grupo na unti-unti umanong pinapatay ng PEA ang hanapbuhay ng mga mangingisda dahil posibleng magkaroon ng pagbabago sa pagpapalabas ng panibagong alituntunin hinggil sa LGU bunga ng pag-iisyu ng "ARKABALAS" (cash ticket).

Kinondena din ng grupo ang PEA sa nilagdaan nitong kasunduan sa proyekto kung saan ang konsepto ng Fisherman’s Wharf ay isang social commitment ng gobyerno para sa mga maralitang residente na naapektuhan ng reklamasyon.

Idinagdag pa ng mga ito na hindi man lamang sinangguni ng PEA sa samahan ng mga mangingisda ang aksiyon na ikinagulat ng mga miyembro ng Fisherman’s Wharf.

Ikinatwiran naman ng PEA na malaki na ang kanilang nalulugi kung kaya’t ginawa nila umanong pambayad sa LGU ang nasabing fish terminal. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

DAHIL

FISH TERMINAL

IDINAGDAG

IKINATWIRAN

KINONDENA

LOCAL GOVERNMENT UNIT

LORDETH BONILLA

PUBLIC ESTATE AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with