Ocampo, Gonzalez nagkaka-iringan
July 28, 2005 | 12:00am
Tumitindi ang iringan nina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Justice Sec. Raul Gonzalez matapos payuhan kahapon ng una ang huli na magpatingin sa psychiatrist dahil mukhang naloloko na ito bunsod ng pahayag na ginagamit ng mga militanteng party-list groups ang pondo ng gobyerno sa mga kilos-protesta laban kay Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Ocampo na walang basehan ang mga pahayag ni Gonzalez at habang nagsasalita ito ay lalo lamang dumarami ang kanyang pagkakamali. "He has gone mad. Im afraid he should see a psychiatrist," ani Ocampo.
Kung mayroon anyang batayan si Gonzalez sa kanyang akusasyon ay dapat itong maghain ng kaukulang kaso sa korte.
Tinaasan naman ng kilay ni Gonzalez ang panggagalaiti ni Ocampo at pinatutsadahan ang solon na magpatingin muna ng utak.
Sinabi ng kalihim na hindi kabaliwan ang pagsasabi ng totoo kaya mas dapat umanong magpa-eksamin ng utak ang nagsasalitang siya ang baliw.
Hinamon din ni Gonzalez na ilantad ni Ocampo kung saan nanggaling ang kanilang ipinantustos sa nasabing rally kung nais nitong pasinungalingan na hindi sa pork barrel nanggaling ang ipinambili ng mga naglalakihang banners na anti-GMA at effigy nito.
Ani Gonzalez, ang banner at effigy pa lamang umano na sinunog sa rally ay umaabot na ng halagang P200,000. (Ulat ni Malou Rongalerios/Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended