Hindi Famas Award ang SONA
July 25, 2005 | 12:00am
Nagpahayag ng pagkadismaya sina House Majority Leader Prospero Nograles at Parañaque Rep. Eduardo Zialcita sa ginawang pag-uugali ng mga oposisyon na kalimutan ang kanilang tungkulin sa bayan bilang mga kagawad ng Kongreso matapos na magpasya ang mga ito na huwag siputin ang gagawing State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Rep. Zialcita, ang Kongreso ay hindi isang "Famas Award" kung saan binibigyan ng parangal ang mga natatanging aktor at aktres sa larangan ng pinilakang tabing.
Ipinagdiinan ni Zialcita na kung nais ng mga nasa oposisyon na maging sikat at mapansin ng taumbayan ay dapat pumalaot sila sa industriya ng pelikula at hindi ang maging kinatawan ng sambayanang Pilipino sa Kongreso.
Sa isang pahayag, sinabi naman ni Rep. Nograles na unparliamentary at hindi nararapat sa isang mambabatas na isnabin ang tradisyunal na pagbibigay ng mensahe ng Pangulo ng bansa sa mismong tahanan ng mga kagawad ng Kongreso.
Aniya, nais ng oposisyon na makuha ang unang pahina ng mga pahayagan at ang ulo ng mga balita sa radyo at telebisyon kung kayat magsasagawa ang mga ito ng mga hakbanging sa tingin nila ay makakakuha ng atensiyon sa taumbayan.
Naniniwala ang dalawang kongresista na mababaw ang dahilan ng oposisyon sa gagawing hindi pagsipot o pag-walkout sa SONA.
Anila, sa harap ng krisis na nararanasan ngayon ng bansa, dapat naman maging hindi mga pasaway ang oposisyon at gawin ang responsibilidad na makinig sa sasabihin ng Punong Ehekutibo. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest