Operation Kontra Balukol pinaigting
July 16, 2005 | 12:00am
Pinadodoble ni DILG Sec. Angelo Reyes ang pagpapatupad ng Operation Kontra Balukol na naglalayong matukoy at makasuhan ang mga jailguards na nasasangkot sa extortion activities sa loob ng mga piitan sa bansa. Inatasan na ni Reyes si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Director Arturo Alit na paigtingin ang kampanya matapos na makatanggap siya ng sunud-sunod na reklamo mula sa mga piitan sa National Capital Region na talamak umano ang pangingikil ng mga jailguards sa mga dalaw at preso.
Sinabi ni Reyes na kailangan na masupil ang iligal na gawain ng mga jailguards na nagbibigay ng kahihiyan sa publiko. Kaugnay nito, nilinaw naman ni DILG Undersec. for Peace and Order Marius Corpus na hindi lamang ang mga jailguards ang kanilang minomonitor kundi maging ang mga preso na nangingikil sa mga bagong commit na preso. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended