^

Bansa

Cam tugis ng mga pinagkakautangan

-
Hinamon ng mga taong nabalasubas umano ni jueteng bagwoman Sandra Cam na magbayad na sa kanyang pagkakautang matapos na lumabas na nagsisinungaling ito sa isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa usapin ng jueteng.

Ayon kina Susan Sandejas Gomez at Charito Palad, dapat nang magbayad si Cam sa kanyang pagkakautang sa kanila bago ito magsalita sa Senado kaugnay sa ginagawang pagdawit sa Unang Pamilya sa operasyon ng illegal na sugal sa bansa.

Sinabi pa ni Gomez na kabilang sa ginawang kasinungalingan ni Cam sa harap ng mga senador ay ang pagsasabing bulok ang kanyang pinauupahang apartment sa Estrada st., Malate, Manila at ang pagsasabing hindi niya kilala ng personal si Palad, isa sa mga naniningil ng utang kay Cam.

"Kung bulok ang aking apartment bakit kinuha pa niya yung kabilang pinto upang palawakin ang kanyang caregiver school, common sense dictates that as a lesse, you will never rent a unit that is not liveable," pahayag ni Gomez. Umaabot sa P260,000 ang utang umano ni Cam kay Gomez.

AYON

CHARITO PALAD

GOMEZ

HINAMON

PALAD

SANDRA CAM

SENADO

SINABI

SUSAN SANDEJAS GOMEZ

UNANG PAMILYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with