Cory kay GMA: Resign!
July 9, 2005 | 12:00am
Matapos ang ilang beses na paglutang para suportahan ang liderato ng kasalukuyang gobyerno, bumigay na rin kahapon si dating Pangulong Cory Aquino at hiningi ang boluntaryong pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Arroyo at gumawa ng isang pagsasakripisyo alang-alang sa kapakanan ng bansa.
Sa ginawang press briefing, hiniling ni Mrs. Aquino ang agaran at voluntary resignation ng Pangulo at isulong ang "smooth transition" o para sa mapayapang pagpapalit ng liderato sa katauhan ni Vice Pres. Noli de Castro.
Sa binasang press statement, hiniling ni Mrs. Aquino ang "supreme sacrifice ng Pangulo upang kusang-loob itong magbitiw at maisalba aniya ang kasalukuyang krisis ng bansa.
Sinabi ni Mrs. Aquino na dalawang option ang nalalabi sa Pangulo para mapayapang maiwasan ang anumang gulo at epekto sa bansa ng mga protesta ng ibat ibang sektor na humihingi ng kanyang pagre-resign.
Ang una ay ang boluntaryong pagbibitiw at ang pangalawa ay ang pagpapailalim sa proseso ng impeachment.
Pero sinabi ni Mrs. Aquino na mas mabilis at madaling mapapanumbalik ang normal na kalagayan ng bansa kung boluntaryong aalis sa puwesto si Presidente Arroyo.
Tinanggihan naman ni Pangulong Arroyo ang panawagn ni Mrs. Aquino na magbitiw siya at gumawa ng pagsasakripisyo.
Sa isang national broadcast, sinabi ng Pangulo na hindi siya bibigay sa mga panawagan para sa kanyang pagbibitiw dahil ito ay lihis sa Saligang Batas.
Sa halip, sinabi niya sa kanyang mga kritiko na dalhin ang kanilang mga reklamo sa Kongreso na siya ngayong nagsisiyasat sa diumanoy pagkakasangkot niya sa dayaan sa halalan.
Aniya, isusulong niya ang mga repormang kailangan ng bansa para maisakatuparan ang mga adhikaing makapagpapaunlad ng ekonomiya.
Inihayag naman ng Pangulo ang 7 kapalit ng 10 sa nagbitiw na miyembro ng Gabinete. Silay sina Mario Relampagos sa Budget and Management; Ramon Bacani sa DepEd; Roberto Tan sa Finance; Naser Pangandaman sa DAR; Lualhati Pablo sa DSWD; Tom Aquino sa DTI at Benedicto Ernesto Bitonio sa NLRC. Ang pitong nabanggit ay pawang officer-in-charge. (Ulat nina Lilia Tolentino,Lordeth Bonilla at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest