Loren naglagak ng P4M para sa recount
July 1, 2005 | 12:00am
Nagbayad ng P4.8-M sa Presidential Electoral Tribunal (PET) si dating Senadora Loren Legarda kaugnay sa election protest na inihain niya laban kay Vice President Noli de Castro.
Personal na nagtungo sa Supreme Court si Legarda upang magdeposito ng kanyang P4.8-M bilang paunang bayad sa pagsasagawa muli ng bilangan sa apat na probinsiya na umanoy nagkaroon ng matinding dayaan.
Ang apat na probinsiya na unang pinagbayaran ni Legarda ay kinabibilangan ng Lanao del Sur, Lanao del Norte, Surigao del Sur at Cebu Province.
Una ng inatasan ng SC si Legarda na magbayad ng kabuuang P11.3-M para sa anim na probinsiya.
Binigyang-diin pa ni Legarda na kung mabibilang na ang nasabing unang apat na probinsiya ay mapapatunayan na lamang ang boto niya kay de Castro, at kung ito umano ay maisasakatuparan agad ay hindi na kailangan na bilangin pa ang iba pang balota sa ibang probinsiya dahil makikita na ang kanyang pagkapanalo at pandaraya ng kampo ni de Castro.
Magugunita na hiniling ni Legarda sa PET na ibatay na lamang sa per ballot basis at hindi sa bawat presinto ang kanyang babayaran. Ngunit, idineklara ng PET na kinakailangan bayaran ni Legarda ang halagang P500 kada balota at hindi kada presinto.
Kinonsidera din ng PET ang iba pang bayarin sa pagsasagawa muli ng bilangan dahil maging ang mga revisors at election canvassers ay babayaran din ni Legarda.
Iprinotesta ni Legarda ang 6 na probinsiya at 9 na munisipalidad kung saan sangkot ang 12,105 presinto. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am