'Army' ni Abat lulusob sa Malacañang sa Hunyo 25
June 23, 2005 | 12:00am
Tuloy ang martsa ng bayan!
Ito ang matapang na reaksyon kahapon ni dating Defense Secretary ret. Gen. Fortunato Abat matapos itong sampahan ng kasong sedisyon na kaugnay ng planong pamumuno sa Peoples March sa darating na Hunyo 25, 2005 upang kalampagin ang administrasyon sa "Hello Garci" scandal.
Sa isang phone interview, sinabi ni Abat na hindi siya kayang takutin ng inihaing kasong sedisyon ng pamahalaan para lamang iurong ang kanilang panawagan para sa pagbibitiw ni Pangulong Arroyo dahilan umano sa pandaraya nito noong 2004 elections.
Ikinatwiran ni Abat, chairman ng Coalition for National Solidarity, na hindi saklaw ng sedisyon ang panawagan ng kanilang grupo na bumaba sa puwesto ang Pangulo dahil sa kapalpakan nito sa pamamalakad sa gobyerno na nag-ugat sa dinaya umanong resulta ng eleksiyon dahil sa ilalim ng batas ay pinahihintulutan ang karapatang ito.
"That's (calls for resignation) part of the constitutional right, part of the Constitution. There are a lot of other people asking her to resign. Why single me out," mariing pagkuwestiyon pa ng 80-anyos na si Abat.
Ang grupo ni Abat ay nagpaplanong magsagawa ng Peoples Summit sa isang hotel sa Quezon City sa Biyernes bilang bahagi ng ilulunsad na Peoples March. Nanindigan din ito na tuloy ang martsa patungo sa Malacañang ng kanyang grupo kahit na magpalabas pa laban sa kanya ng arrest warrant ang korte. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest