^

Bansa

Malaria nanalasa sa Rizal

-
Nangangamba ang mga residente ng lalawigan ng Rizal dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na sakit na ‘malaria’ makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH)-Rizal chapter ng 200 kaso ng sakit sa anim na bayan dito at patuloy pang dumarami.

Ayon kay Dr. Gino Silvestre, Medical Officer IV ng DOH at tumatayong Malariatologist na nakabase sa Binangonan, Rizal, patuloy ang ginagawa nilang pagmo-monitor sa lalawigan, partikular sa mga bayan ng San Mateo kung saan naitala ang pinakamataas na bilang na umaabot sa 71 katao ang tinamaan ng nasabing sakit; Tanay, Angono, Taytay, Rodriguez (Montalban) at lungsod ng Antipolo dahil sa pagkalat ng ‘killer malaria’ sa buong probinsiya.

Nabatid pa mula kay Silvestre na karamihan sa mga tinamaan ay mga batang nasa edad 1 hanggang 5-taong gulang habang ang pinakamatanda ay nasa edad 70.

Dahil dito, kumilos na ang mga alkalde ng mga nabanggit na bayan sa pamamagitan ng pagbili ng gamot pangontra sa sakit kung saan ang pinakamahal ay umaabot sa P2,000 kada isa.

Nagsasagawa na rin ng pag-spray at pamamahagi ng kulambo na mayroong gamot sa mga apektadong lugar ang grupo ng mga doktor matapos na magsagawa ng pagkuha ng sampol ng mga dugo sa mga naapektuhang biktima.

Nauna rito, nasawi bunga ng cerebral malaria sina Reyster Langit, ang anak ng beteranong mediamen na si Rey Langit, reporter ng DIWZ na si Christian Macadaig, 48 at cameraman na si Arnold Danare, 25, matapos makagat ng killer mosquito nang umakyat ang mga ito sa bundok ng Palawan para sa isang documentary mission na ipapalabas sa programang "Kasangga mo ay Langit" sa Channel 9. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ARNOLD DANARE

CHRISTIAN MACADAIG

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. GINO SILVESTRE

EDWIN BALASA

MEDICAL OFFICER

REY LANGIT

REYSTER LANGIT

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with