Pinoy sinalo ni Bush
May 23, 2005 | 12:00am
Ipinatawag sa White House ni US Pres. George Bush ang Pilipinong inventor na si Pablo Planas matapos magpakita ng interes ang una sa gas saving device ng huli.
Inamin ni Planas na unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na mapapansin ni Pangulong Arroyo ang kanyang imbensiyon kaya minabuti niyang tanggapin ang alok ng mga Filipino community sa Los Angeles Arcadia, USA na nagpipilit na humarap siya kina Bush at California Governor Arnold Schwarzenneger dala ang kanyang imbensiyon.
"Matagal nang hindi pinapansin ng Malacañang ang aking imbensiyon baka ang Amerika ay mapansin ito," ani Planas na may himig pagtatampo dahil sa ginagawa umanong pagpapabaya ng Pangulo sa kanya at iba pang mga Filipino inventor.
Kung matatandaan, mismong ang pamahalaan ng Amerika ay nag-alok ng $20 million o P100 billion, maliban pa sa pag-migrate sa pamilya nito ibigay lamang sa kanila ni Planas ang formula ng natatangi niyang imbensyon.
Bukod dito, "nililigawan" na rin si Planas ng mga dambuhalang kumpanya mula sa Germany, Singapore, China, Taiwan at anim na iba pang malalaking bansa upang doon na lamang sa kanilang bayan ito ibenta.
Hindi pumayag dito ang makabayang imbentor dahil mas gusto niyang Pilipino muna ang makinabang sa kanyang produkto bago ang dayuhan.
Subalit sa ipinapakitang pagbalewala ng gobyerno sa dapat sanay pag-asat karangalan ng Pinoy ay napilitan si Planas na bitbitin sa White House ang kanyang tipid-gas gadget upang ipaalam sa buong mundo na ang kanyang imbensiyon ang magiging sagot sa tumitinding problema sa pagtaas ng presyo ng gasolina, gayundin sa lumalalang suliranin sa air pollution.
"Malayo ang Quezon City sa Malacañang, ngunit malapit ang Pilipinas sa Amerika," ani pa ni Planas na tumulak patungong Amerika kamakalawa.
Umaasa siya na magiging katuwang niya ang Amerika sa pagpapalaganap ng kanyang imbensiyon sa buong mundo.
Maaalala ang nangyari sa imbensiyon ng Filipino na si Agapito Flores na naburyong sa gobyerno at ibinenta na lamang ang tuklas nitong "flourescent lamp" na ngayon ay ginagamit na ng buong mundo.
Ang Khaos Super Turbo Charger (KSTC), base na rin sa paniniwala ng mga eksperto ay mabisang paraan para makatipid sa pagkonsumo sa mga de-gasolinang sasakyan lalot patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Sa unang linggo ng Hunyo nakatakdang bumalik si Planas at umaasa na magkakaroon ng magandang resulta ang kanyang paglalakbay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended