Pag-hire sa retired Napocor officials pinasisilip
May 6, 2005 | 12:00am
Pinasisilip ni Sen. Ramon Magsaysay Jr. sa Senate Blue Ribbon committee ang muling pagkuha sa serbisyo ng mga retiradong opisyal ng Napocor.
Lumitaw sa imbestigasyon ng Joint Congressional Power Commission na nagbayad ang Napocor ng P12 billion sa libu-libong mga kawani na nagretiro na pero muling kinuha ang serbisyo.
Ayon kay Magsaysay dapat na malaman kung may legal na batayan ang mga pinuno ng Napocor sa muling pagkuha ng serbisyo nila at kung ano ang magiging pananagutan ng mga ito dahil na rin sa pagdeklarang pagkalugi ng Napocor. Kailangan ng Napocor na mahigit P7 billion pondo para sa Napocor na nauna ng nagpahayag ng pagkalugi. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest