'3 taon pa, jueteng free na ang Pinas' -- Palasyo
May 5, 2005 | 12:00am
Matapos ang kaliwat kanang pagbatikos sa Arroyo administration hinggil sa walang humpay na sugal na jueteng, nangako kahapon ang Malacañang na sa loob ng tatlong taon ay maaalis na ang nasabing ilegal na sugal sa bansa.
Ayon kay Executive Sec. Eduardo Ermita, tatlong taon ang target ni Pangulong Arroyo upang tuluyang maalis ang jueteng sa bansa kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa pagbubunyag ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz sa mga jueteng lords at protectors ng jueteng.
Una na ring inamin ng Palasyo na nahihirapan silang masugpo ang nasabing ilegal na sugal dahil na rin sa pagbibigay ng proteksyon ng ilang indibidwal. Nagpahayag pa na hindi takot ang Arroyo administration sa anumang imbestigasyon makaraang isangkot sa jueteng ang First Family. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am