^

Bansa

Green Parks sa bawat subd.

-
Iginiit kahapon ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar ang agarang pagsasabatas sa kanyang House Bill 1210 o "Green Parks Act of 2004" na naglalayong magtatag ng mga green parks sa lahat ng mga subdibisyon sa bansa para sa proteksiyon ng kapaligiran lalo na sa mga siyudad at lungsod.

Ito ay matapos pagtibayin ng House Committee on Housing and Urban Development ang panukala ni Villar na nakahain ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

"Ang programang-pabahay ng gobyerno ay dapat na bagayan ng malinis na kapaligiran. Kaya, tama lamang na maglaan ang bawat subdibisyon maging ito man ay residential, commercial at industrial ng bakanteng lote na pagtatamnan ng mga puno at halaman upang ito ay maging parke," ani Villar.

Sa ilalim ng panukala, mahigit sa 30 puno ang itatanim sa bawat ektaryang sakop ng isang subdibisyon. Kapag tuluyang naging batas, ang mga naitayo nang subdibisyon bago pa man ang panukala ay masasakop na rin ng Green Parks Act.

Ang mga homeowners association na magtatayo ng green parks sa kanilang subdibisyon ay makakakuha ng libreng buto at halamang itatanim mula sa DENR at DA. Maglalaan din ng libreng gamit at artesian wells ang naturang mga departamento para sa pagmimintina ng naturang mga parke. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

CONGW

CYNTHIA VILLAR

GREEN PARKS ACT

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT

LAS PI

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with