Ayon kay Konsehal Henry Commayo, iniisip na ngayon ng mga kasapi ng partido na magkaroon ng eleksiyon dahil wala na silang kumpiyansa at tiwala sa kakayahang mamuno sa kanilang chairman na natalong congressional candidate at dating alkaldeng si Rey Malonzo.
Sinabi nito na kinukuwestiyon na ngayon ng mga miyembro ng partido kung paano pa sila epektibong mapamumunuan ni Malonzo kung hindi naman ito naniniwala sa prinsipyo ng demokrasya at sa proseso nito, bukod pa sa kawalan ng respeto sa kanyang mga kinasasakupan.
Sinabi ng konsehal na binalewala at hindi kinonsulta ni Malonzo ang mga miyembro ng Lakas nang i-nominate nito ang anak na si Christopher upang pumalit sa namayapang si Konsehal Eduardo "Popoy" Rosca.
Wika ni Cammayo, bilang chairman ng partido sa Caloocan dapat ay tinanong man lang ni Malonzo ang sentimiyento o consensus ng partido kung totoong pinahahalagahan niya ang mga miyembro at naniniwala siya sa demokrasya o lakas ng nakararami. (Ulat ni Rose Tamayo)