^

Bansa

Bar exams, itigil na! — Miriam

-
Hiniling kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Supreme Court (SC) na ibasura na ang Bar examinations bilang pre-requisite sa practice ng law sa Pilipinas dahil hindi naman ito nagiging sukatan ng kagalingan ng isang abogado.

Iginiit ito ni Santiago matapos ipalabas ng SC ang pangalan ng 1,659 law graduate, na nakapasa sa bar examination ngayong taon mula sa 5,249 examinees.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, pinahintulutan ang SC na bumalangkas ng patakaran para makapasok sa practice of law ang isang abogado kung kaya’t taun-taon ay nagsasagawa sila ng Bar examination.

"The Bar exams is not the best guage of one’s aptitude to practice law because it fails to test the skills needed in the legal profession. It does not focus on the full spectrum of legal knowledge," ani Santiago na isang honor graduate ng UP College of Law subalit muntik ng hindi makapasa sa Bar exam.

Sinabi ni Santiago na maghahain siya ng isang resolusyon sa Senado ngayong Linggo upang himukin ang kanyang mga kasamahan na suportahan ang kanyang panukala para sa pagbasura ng Bar exam.

Upang masuportahan ang kanyang panukala, tinukoy ng senadora ang isang study na pinamagatan na "Survey of the Legal Profession" ni dating UP College of Law Dean Merlin Magallona at Atty. Manuel Flores Bonifacio kung saan dinokumento nila ang opinyon ng maraming abogado na ang bar examination ay hindi sukatan ng legal competence ng isang abogado.

Nais ni Santiago na palitan na lamang ang Bar exam ng National Law School Aptitude Test (NLSAT) at isang one-year Legal Internship Program bilang pre-requisite sa pag-aabogado.

"By introducing a NLSAT, it will be possible to better evaluate the verbal, writing, analytical proficiency, and reading comprehension skills of prospective law students," dagdag ng senadora. (Ulat ni Rudy Andal)

BAR

COLLEGE OF LAW

COLLEGE OF LAW DEAN MERLIN MAGALLONA

ISANG

LAW

LEGAL INTERNSHIP PROGRAM

MANUEL FLORES BONIFACIO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NATIONAL LAW SCHOOL APTITUDE TEST

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with