Ang binigyan ng parangal ng Pangulo ay sina Nita Gallebo Ramos, janitress at Romeo Pelaez, messenger/janitor sa NAIA. Binigyan sila ni GMA ng tig-P50,000 na cash bilang regalo sa kanilang katapatan magsauli ang mga ito ng napulot nilang mga alahas at cash sa mga pasahero sa NAIA.
Naglilinis sa Old MIA terminal noong Marso 31 si Ramos ng makapulot ng kahon na naglalaman ng mga alahas na isinauli nito habang si Pelaez naman ay nakapulot ng bag sa JAL passenger service section na naglalaman ng 3 milyong Yen na isinauli din nito.
Dahil sa katapatan ng dalawa, ay binigyan sila ng regalo ni PGMA sa mismong kaarawan nito na ginanap sa Palasyo. (Ulat ni Ellen Fernando)