P17-B utang ng gobyerno sa WW II veterans
April 6, 2005 | 12:00am
Umaabot sa P17 bilyon ang utang ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa mga beteranong Pinoy sa World War II.
Ito ang ibinunyag ni Defense Secretary Avelino Cruz Jr., matapos mag-alay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at linggo ng mga beterano.
Nabatid na simula noong 1994 ay hindi nababayaran ng gobyerno ang may 90,700 beterano na nakipaglaban noong World War II.
Bunga nito, nakabinbin ang pagbabayad sa pensyon ng mga ito dahil sa kawalan ng pondo ng pamahalaan.
Dahil dito, kinatigan ni Sec. Cruz ang isinusulong na tax measure ni Pangulong Arroyo upang makalikom ang PVAO ng P13.5 bilyon para makatulong ito sa pagbabayad ng utang sa mga beterano.
Aniya, mahalaga rin na makapasa sa Kongreso ang Pension Fund bill ni Sen. Rodolfo Biazon para sa benepisyo ng mga beterano na tinaguriang bayani ng bayan.
Wika pa ng DND chief, bumubuo na sila ng konsepto para magkaroon ng ospital na ang kikitain ay makakatulong din sa pagbabayad ng utang ng gobyerno sa mga war veterans.
Sinabi naman ni AFP chief of staff Efren Abu na hanggat hindi naisasaayos ang koleksyon sa buwis at takbo ng ekonomiya ng bansa ay mahihirapan ang gobyerno na mabayaran ang pensyon ng mga beterano gayundin ang mga nagreretirong sundalo at mga opisyal kung saan ay umaabot sa P12 milyon naman ang kakulangan ng pondo ng gobyerno para mabayaran ang may 24,700 na retirees. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest