^

Bansa

SC 'di apektado ng survey, rali ng pro-FPJ

-
Hindi nayayanig ang Korte Suprema sa mga surveys at fallies na isinasagawa ng kampo ng namayapang presidential candidate Fernando Poe Jr.

Ito ay matapos na magpalabas ng survey ang Social Weather Station (SWS) kung saan marami umanong Pinoy ang pabor na maisulong ang election protest ni Poe sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ayon kay Supreme Court Public Information Office (PIO) Chief Atty. Ismael Khan, hindi apektado ang SC sa nasabing survey at rallies dahil ang desisyong ginawa ng mga mahistrado nito ay batay sa umiiral na batas at alituntunin.

Batay sa SWS survey noong February 25-March 10, 2005, may 47% sa 1,200 katao ang nais na maisulong ang nasabing oil protest ni FPJ upang malaman ng taumbayan kung sino ang tunay na nanalo sa pampanguluhang election.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Atty. Luzviminda Puno, Clerk of Court ng PET, ang pagkakabasura sa nasabing protesta ni FPJ ay hindi lamang dahil sa teknikalidad kundi dahil sa kawalan ng legal na kakayahan ng maybahay nito na si Susan Roces, kung kaya’t malabo umanong maisulong ito sa PET. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CHIEF ATTY

CLERK OF COURT

FERNANDO POE JR.

ISMAEL KHAN

KORTE SUPREMA

LUZVIMINDA PUNO

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

SOCIAL WEATHER STATION

SUPREME COURT PUBLIC INFORMATION OFFICE

SUSAN ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with