^

Bansa

Propaganda ng NPA vs RP-US Balikatan itinanggi

-
Bahagi lamang umano ng propaganda ng New People’s Army (NPA) ang pagbatikos nito sa RP-US Balikatan exercises sa Southern Luzon.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Buenaventura Pascual, wala umanong katotohanan ang ipinangangalandakan ni NPA Spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal na ang isinagawang RP-US Balikatan exercises sa Laguna at Quezon ay naglalayong palakasin pa ang opensiba ng militar laban sa mga rebeldeng komunista.

Base sa pahayag ni Ka Roger, tahasan umanong nilapastangan ng gobyerno ang pambansang soberenya ng Pilipinas sa pagpapahintulot at panghihikayat sa pagpasok sa bansa ng libu-libong mga tropang pang-combat ng Amerika.

Ikinatwiran pa ni Ka Roger ang pagtungo ng US forces sa mga lugar sa Timog Katagalugan ay tuwirang nakatuon sa paglaban sa armadong rebolusyonaryong kilusan.

Bunsod nito, ayon pa sa NPA Spokesman ay nakaalerto ang kanilang rebolusyonaryong puwersa laban sa nakaambang tuwirang paglahok ng mga tropang Amerikano sa mga operasyong pang-kombat.

Tinugon naman ito ni Pascual sa pagsasabing walang karapatan ang mga rebeldeng NPA na saktan ang tropang Kano na narito lamang sa bansa para tumulong sa medical, engineering, civic action program at hindi para sumama sa combat operations tulad ng espekulasyon ng komunistang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BALIKATAN

BUENAVENTURA PASCUAL

CHIEF LT

JOY CANTOS

KA ROGER

NEW PEOPLE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SOUTHERN LUZON

SPOKESMAN GREGORIO

TIMOG KATAGALUGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with