^

Bansa

DOJ tutol sa paglalagay ng rehas sa korte

-
Tinutulan ni Justice Secretary Raul Gonzales na lagyan ng rehas na bakal ang loob ng korte sa pagsasagawa ng pagdinig sa kaso laban sa mga miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG).

Ayon kay Sec. Gonzales, hindi magandang tingnan na ang korte ay lalagyan ng rehas na bakal para lamang sa seguridad umano sa paglilitis ng kaso ng mga ASG.

Ipinaliwanag ni Gonzales, mayroon namang security personnel na magbabantay sa tuwing magkakaroon ng paglilitis sa kaso sa korte ng mga ASG kaya hindi na kailangang maglagay pa ng rehas na bakal dito.

Unang hiniling ni State Prosecutor Peter Medalle na lagyan ng rehas na bakal ang korteng didinig sa kaso ng mga ASG dahil sa pangamba na muling magsagawa ng hostage ang mga ito tulad ng ginawa sa BJMP jail sa Taguig. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)

ABU SAYAFF GROUP

AYON

CRUZ

GONZALES

GRACE AMARGO

IPINALIWANAG

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

STATE PROSECUTOR PETER MEDALLE

TAGUIG

TINUTULAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with