Solon kay Lomibao: 'Maging huwaran ka ng mga pulis'
March 15, 2005 | 12:00am
Hinamon kahapon ng mga lider ng Kamara ang bagong hirang na hepe ng Philippine National Police (PNP) na maging halimbawa sa mga pulis upang manumbalik ang pagtitiwala ng taumbayan sa organisasyon.
Sa kanilang pinagsamang pahayag, pinapurihan din nina House Deputy Speaker Gerry Salapuddin at Deputy Minority Leader Allan Peter Cayetano ang ginawang pagkatalaga ni Pangulong Arroyo kay Deputy Director General Arturo Lomibao kapalit ni Director General Edgardo Aglipay.
Hinikayat ni Salapuddin si Lomibao na tiyaking namamayani sa loob ng kapulisan ang propesyunalismo upang mapataas ang moral ng mga kagawad nito.
Nanawagan din si Salapuddin kay Lomibao na sibakin at kasuhan ang mga tiwaling pulis, habang binibigyan naman nang pagkilala ang mga kabutihang ginawa ng mga ito.
Nanawagan naman si Cayetano sa dating hepe ng directorial staff na ipatupad ang pagtitipid na ginagawa ng pamahalaan at mamuhay batay lamang sa kakayahan nito.
"These austerity measures should include lessening travels and limiting the gas ration privillege. Transparency and accountability should be strictly promoted in the PNP to effectively implement the austerity program," dagdag pa ni Cayetano.
Hinimok din ng kongresista si Lomibao na gawin halimbawa ang sarili sa pananatili ng simpleng pamumuhay habang aktibo naman isinusulong ang paglaban sa anumang katiwalian sa institusyon.
Ayon pa kay Cayetano nakakahiya na habang nakasakay sa mamahaling sasakyan ang mga matataas na opisyal ng pulisya ay wala naman maibigay itong sasakyan o gasoline o maging mga bala ang mga rumerespondeng pulis.
Nanawagan din si Cayetano sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang PNP sa pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan at kasangkapan, tulad ng mobile unit, armas, at ang pagtatayo ng mga himpilan ng pulisya sa bawat barangay. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended