^

Bansa

Solon nagmamay-ari ng 11 house & lot, 14 pang lote

-
Isang congressman na nagmula sa isa sa pinakamahirap na probinsiya ng bansa ang nagmamay-ari ng halos 11 house & lot, 14 na lote, mga mamahaling sasakyan at club shares sa mga sikat na Club.

Si Congressman ay nasa kanyang ikatlong termino sa House of Representatives at nagdeklara ng net worth na P5.0 milyon nang magsimulang manungkulan bilang mambabatas noong 11th Congress.

Base sa pagsasaliksik ng PSN, noong pumasok na ang 12th Congress, idineklara ni Congressman ang total assets na P19.7 milyon; liabilities o utang na P8.5 milyon at networth na nasa P11.5 milyon.

Kung kukuwentahin, lumobo lamang ng mahigit na P6 milyon ang net worth ni Congressman sa loob ng tatlong taong panunungkulan noong 11th Congress.

Idineklara nito bilang assets noong 12th Congress ang 11 house & lot maliban pa ang 14 na lote na kinabibilangan ng 8 agricultural lands sa kanyang probinsiya. Mayroon din itong 2 house & lot sa Maynila at isa sa parteng Visaya.

Hindi naman lahat ng ari-arian ni Congressman ay nabili niya noong nasa Kongreso na siya. Apat lamang sa kanyang bahay at lupa ang nabili niya noong 1998 habang nanunungkulan sa 11th Congress; at 3 residential lot noong 2001 na sakop na ng 12th Congress.

Bago magtapos ang 12th Congress, lumaki na ang assets ni Congressman at naging P31.4 milyon, pero lumaki na rin naman ang kanyang liabilities na P19.7 milyon. Ang networth niya ay nasa P11.6 milyon. Mayroon din itong P1.2M na share sa Subic Bay Yatch Club.

Si Congressman ay hindi naman masyadong sikat pero naging prominenteng personalidad noong impeachment trial ni dating Pangulong Estrada. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

CONGRESS

CONGRESSMAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MALOU RONGALERIOS

MAYROON

MILYON

NOONG

PANGULONG ESTRADA

SI CONGRESSMAN

SUBIC BAY YATCH CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with