Nabiting Love Bonus baka abutin ng Semana Santa
February 20, 2005 | 12:00am
Malamang na abutin ng Mahal na Araw o mas matagal pa ang pagtanggap ng mga empleyado ng gobyerno ng ipinangakong "Love Bonus" nitong Valentines Day.
Ang posibilidad na ito ay inihayag ni Press Sec. at Presidential Spokesman Ignacio Bunye matapos mabigo ang Department of Budget and Management (DBM) na makuha mula sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno ang komputasyon ng kanilang natipid na pondo na siyang pagbabasehan sa pagpapalabas ng pondo para sa Love Bonus.
Bunga nito, marami pang empleyado ng gobyerno ang hindi nakakatanggap ng Love Bonus na dapat ay nakuha nila noong Peb. 14.
Tanging ang mga ahensiyang nakapagsumite ng mga hinihingi ng DBM ang nakatanggap ng Love Bonus ng mula P1,000-P3,000 depende sa natipid na pondo ng kanilang ahensiya at sa panahon ng panunungkulan ng mga empleyado sa pamahalaan.
Ang pagtanggap ng Love Bonus ay itinakda ng Pangulo sa pamamagitan ng isang Executive Order na ipinalabas niya bago sumapit ang katatapos na Valentines Day. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest