^

Bansa

'Pinas, Japan nagkapit-bisig vs terorismo

-
Nagkaisa ang gobyerno at ang bansang Japan sa patuloy na pagsugpo ng terorismo.

Sa naganap na dialogue sa pagitan ng mga opisyal ng Japan at ng Deparment of Foreign Affairs (DFA), tinalakay ang mga makabagong security policies ng naturang bansa na maaari ring maging epektibo sa Pilipinas sa pagsugpo at pag-iwas sa terorismo.

Nabatid na magkakaroon ng iba’t ibang uri ng pagsasanay ang mga kawani ng gobyerno na magmumula sa Maritime Institute at Department of National Defense (DND) para makamit at mapatupad ang mas mahigpit na seguridad sa bansa.

Napagkasunduan din ng mga opisyal ng dalawang bansa na magkaroon ng mga makabagong kagamitan pang-komunikasyon at infrastructure.

Maging ang pagsasagawa ng search and rescue operation ay magiging makabago na rin dahil sa patuloy na pagsasanay na ibibigay ng Japan. Ang training sa search and rescue operation ay isa sa mga paraan ng pagiging alerto ng dalawang bansa sa anumang kalamidad na maaaring maganap sa mga ito tulad ng Tsunami na tumama sa Indian Ocean. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

DEPARMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

INDIAN OCEAN

MARITIME INSTITUTE

NABATID

NAGKAISA

NAPAGKASUNDUAN

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with