^

Bansa

'Kuratong Baleleng' dinggina na - Solgen

-
Nais ng Office of the Solicitor General (OSG) na dinggin na ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) na muling buksan ang kaso ng "Kuratong Baleleng" na kinasasangkutan ni Senador Panfilo Lacson.

Batay sa consolidated reply na inihain ng Solicitor General (Solgen) sa Mataas na Hukuman, hiniling nito na magtalaga ng isang commissioner na siyang tatanggap ng mga ebidensya at testimonya ng mga testigong magdidiin laban sa mga akusado sa multiple murder case kaugnay sa pamamaslang sa 11 miyembro ng Kuratong Baleleng robbery gang upang paghandaan ang muling pagbubukas ng kaso.

Hiniling pa ng OSG na ipawalang-saysay ang anim na kautusang ipinalabas ni Quezon City Regional Trial Court Judge Ma. Teresa Yadao dahil sa kawalan ng hurisdiksyon nang ipawalang-sala nito ang grupo ni Lacson sa nasabing krimen.

Sinabi ng Solgen na dapat ideklara ng High Tribunal na kailanman ay hindi nagkaroon ng karapatan si Judge Yadao sa pagdinig sa usapin dahil sa may dalawang menor-de-edad na sangkot sa kaso.

Iniapela din ng OSG na mailipat sa ibang heinous crime court o alinmang family court ang nasabing kaso at pagbawalan na si Yadao na hawakan ang kaso.

Iginiit ng OSG na sakaling mailipat na ang kaso sa ibang korte ay atasan ang hukom na hahawak dito na agad magpalabas ng warrant of arrest laban kay Lacson at 30 iba pang sangkot sa krimen kabilang ang mga dating matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Upang mapabilis, hiniling pa ng OSG na huwag nang bigyan ng pagkakataon at merito ang mga argumentong ihahain ng mga respondents dahil mas matibay umano ang mga testimonya at ebidensyang hawak ng prosekusyon.

Si Lacson ang tumatayo noon na pinuno ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at itinuturong ‘utak’ sa umano’y naganap na rubout sa mga miyembro ng Kuratong Baleleng gang at pagtangay ng milyun-milyong pera na nakulimbat ng grupo sa panghoholdap sa mga bangko at ibang establisimiyento sa Metro Manila. (Ulat ni Grace Amargo- Dela Cruz)

DELA CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

HIGH TRIBUNAL

JUDGE YADAO

KURATONG BALELENG

LACSON

METRO MANILA

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with