^

Bansa

Ulo gugulong sa Occ. Mindoro dahil sa jueteng

-
Nagbanta kahapon ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gugulong ang ulo ng mga lokal na opisyal ng Occidental Mindoro kung hindi masasawata ng mga ito ang ilegal na sugal sa kanilang nasasakupan.

Una nang ipinag-utos ni DILG Sec. Angelo Reyes na imbestigahan sina PNP Region 4-B C/Supt. Alejandro Lapinid, Gov. Nene Sato, San Jose Mayor Moloy Festin at isang Col. Atienza dahil sa nagaganap na dalawang beses kada araw na bolahan ng number games sa kanilang nasasakupan.

Ito ay bunsod na rin sa paglutang ng mga umano’y jueteng operators na sina Maxi Gonzales at Alex na siyang may hawak sa bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal, Calintaan, Sta. Cruz, Mamburao at Abra de Ilog ng Mindoro Occidental.

Tiniyak naman ni Reyes na ang kanyang banta ay hindi limitado sa Mindoro Occidental lamang kundi sa mga lugar na mayroon pa ring ilegal na sugal na umano’y ginagawang sangkalan pa ang ilang lokal na opisyal upang malayang mag-operate ng nasabing sugal.

Sinabi pa ni Reyes na ang malawakang pagsugpo sa ilegal na sugal ay bunsod na rin sa kautusan ni Pangulong Arroyo para sa jueteng free na bansa. (Ulat ni Doris Franche)

ALEJANDRO LAPINID

ANGELO REYES

B C

DORIS FRANCHE

MAXI GONZALES

MINDORO OCCIDENTAL

NENE SATO

OCCIDENTAL MINDORO

PANGULONG ARROYO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with